Wednesday, February 10, 2016

Filipino Ancient Life: Before the Life in the Hands of Spaniards
Matagal bago pa nasakop ng Espanya ang ating bansa, ang ating mga ninuno ay mayroon nang sariling kultura, paniniwala, sistema ng gobyerno, lengguwahe, literatura, sining, awit at relihiyon. 
Lapu-Lapu and His BAttle in Mactan

Isa si Lapu-Lapu, ang tinaguriang unang bayani ng ating bansa, sa mga nagakita ng katapangan at katalinuhang taglay na meron ang mga Pilipino. Ang labanan niya laban sa mga mananakop ay nangyari sa Mactan, Cebu, taong 1521.

Lakandula and Raha Sulayman: Fight Against the Abusive Spaniards

Dahil sa pagsulong ni Lakan Dula at Raha Sulayman, nagkaroon ang mga sumunod na mga rebelyon laban sa mga mapang-abusong Espanyol. Ipinaglaban nila ang kanilang karapatan sa buwis at karahasang ipinapakita ni Gobernor-Heneral Guido Lavezaris.

Dito makikita na na ang mga Pilipino, tayo, ay may laban. Hanggat alam nating tama, dapat ipaglaban natin dahil ito ay ating karapatan.

Francis  Dagohoy - Nativist Uprising

Isa si Francisco Dagohoy sa mga maituturing na tagumpay na rebelyon laban sa mga Pilipino. Mahalaga ang ipinakitang katapangan ni Dagohoy upang ipadating sa mga Espanyol at Prayle na ang Relihiyon ay karapatan at hindi sapilitan.

Monday, February 8, 2016

Diego and Gabriela Silang - The Courageous Couple of Ilocos Revolt

Naging mahalaga ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang dahil isa sila sa mga unang pinuno ng malalaking grupo ng mga Pilipinong naghimagsik laban sa mga mapang-abusong Espanyol, 

Naging iba ang pananaw ng mga Pilipino sa kanilang pamumuno, dahil sa hindi sariling kapakanan ang itinayong pangkat. Nabuo sila para sa nakararami. Nabuo sila para sa rehiyon ng Ilocos. 

Saturday, February 6, 2016

GomBurZa and Their Martyrdom

Ang tatlo sa mga kilalang Pilipinong pari, sa panahon na kung saan ang mga mapang-abusong Espanyol parin ang namamahala sa Pilipinas, ay sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.

Mahalaga ang naging tungkulin nila dahil sila ang unang nagpukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipinong Ilustrado at naging inspirasyonn ng ating Pambansang Bayani sa kanyang Nobelang El Filibusterismo (The Rebel).


Thursday, February 4, 2016

The Propaganda Movement 

Ang kilusang Propgandista ay isa sa mahalagang kilusang nabuo. Binubuo ito ng mayayaman at edukadong mga Pilipino na naglalayung gawin ng Espanya ang isang reporma sa tahimik at matiwasay na paraan. Ang repormang itinutukoy ay ang pagiging probinsya ng Pilipinas ng Espanya at hindi kolonya. 


The Assassination of Jose Rizal in Bagumbayan

Tila ba katapusan na para sa ibang Pilipino ang pagkmatay kay Jose Rizal. Sino nga ba ang hindi maapektuhan, ang isang matalino at matapang na ilustrado ay kabawasan rin sa pag-asa na makamit natin ang ating minimithing pagkakapantay-pantay. 

Ngayon, na isa itong paksang ito sa palaging itinuturo sa aming mag-aaral, masaabing malaki talaga ang epekto ng pagkamatay ng ating Pambansang Bayani sa pagkamit ng, hindi lang pagkakapantay-pantay, kundi ang sariling kalayaan. Dahil sa pangyayaaring ito, napukaw ang maraming damdamin ng mga Pilipino. Ito ay ang damdaming Nasyonalismo.
The Katipunan

Ang Kataas-taasan Kagalanggalang na Katipunan na mga Anak ng Bayan o Katipunan ay ang pinaka malakas na kilusang nabuo sa kasaysayan ng Pilipinas na lumaban sa mapang-abusong gobyerno ng Espanya. 

Masasabing iba ang layunin ng Katipunan sa Kilusang Propaganda. Kalayaan at hind ang pagiging probinsya ng Espanya ang ipinaglalaban ng Katipunan.